Una sa Balita

Mga netter vs Greece

0 269

GIGIL na ang mga Pilipino na makapaluan ang pinakamatitindi sa mundo ng tennis, tulad ni World No. 6 Stefanos Tsitsipas ng Greece.

Base sa bagong format ng Davis Cup na uumpisahan ngayong taon, toka sa mga Pinoy ang Greeks sa World Group II playoff round sa March 6-7 sa clay courts ng Philippine Columbian Association sa Plaza Dilao, Paco.

“We’re excited of the new format because our teams will have an opportunity to play not just Asians but also other strong players in the world,” ani PH non-playing captain Chris Cuarto.

Posibleng si Tsitsipas ang babandera sa Greeks, kung isasama siya sa roster bago ang deadline sa Martes.

Huling naglaro ang mga Pinoy netter kontra non-Asian noong 1991 nang harapin ng squad na pinamunuan ni Felix Barrientos ang Sweden sa World Cup qualifier.

Sina Jeson Patrombon, Francis Casey Alcantara, Alberto Lim Jr. at posible pang sina Fil-Am Ruben Gonzales at Treat Conrad Huey ang kakatawan sa Pilipinas ngayon.

Sa bagong format, 12 home-and-away ties ang ilalaro sa World Group II kasabay ng World Qualifiers at World Group I playoffs.

Abante ang top 12 ng World Group II playoffs sa World Group II ties sa September kasama ang mga losing country mula World Group I.

Ang mga matatalo naman ay made-demote sa Regional Group III na papalo sa June at July o September. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More