Una sa Balita

Mga netizen sumakit ang tiyan kina Jo Berry, La Oro

0 496

Kalat na kalat ngayon sa social media ang cartoon character ng mag-ina na kung ano-ano ang nakalagay sa kanilang mga bubble head. Sa rami ng lumabas na ganoong entry, pinaka-bumenta sa lahat ay ‘yong nilabas ng GMA sa kanilang teleseryeng “The Gift”.

Eh winner naman kasi talaga, una cartoon lang siya, tapos ginawan ng drawing, ni-level up na rin sa 3D animated entry hanggang ginawan nga ng realistic entry ng GMA sa isa sa kanilang mga eksena sa teleseryeng “The Gift”.

Kuhang-kuha talaga ang itsura ng cartoon na mag-inang trending ngayon sa social media sa eksenang iyon nina Elizabeth Oropesa at Jo Berry.

Halos sumakit na nga raw ang tiyan ng mga fan sa katatawa nang mapanood, makita ang entry ng GMA na ‘yun. Gaano nga ba talaga kataba ang utak ng mga Pilipino para mabuo ang ganoong eksena, ask GMA how.

Dahil sa re-imagined version ng GMA, dinagdagan pa ng mga netizen sa social media ng iba’t ibang kalokohan ang eksenang iyon. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy