Una sa Balita

Mga netizen bumilib sa tindero ng tinapay na naka-kotse

0 486

Only in Tanza. Magtitinapay naka-EON.

Posted by Jedd Angelo Navarro on Tuesday, August 21, 2018

Abante Hiring – IT dep

KARANIWAN na sa mga nagtitinda ng tinapay ang naglalakad o kaya ay naka-bisekleta o motorsiklo.

Pero isang panadero sa Cavite ang nagtitinda ng tinapay gamit ang bagong kotse.

Sa pagkamangha ng netizen na si Jedd Angelo Navarro, ibinidyo niya ito at naging viral ngayon sa social media.

Ang tindero ng tinapay ay nakilala lamang sa pangalang Manong Rhey.

Nabatid na siya rin ang nagluluto ng tinapay bago ilako sa kanyang mga suki, gamit ang pulang kotse.

Mabenta sa kanyang produkto ang pan de coco, Spanish bread at donut.

Reaksyon ng ilang netizen na nakapanood ng video, maaaring umasenso na sa pagtitinda ng tinapay ni Manong Rhey kaya’t naisipan niyang maglako gamit ang bagong kotse.

Subalit paliwanag ng isang suki ng tindero, hiniram lang ni Manong Rhey ang kotse sa kanyang kapatid.

Sa kabila nito, hindi nababawasan ang paghanga nila sa tindero dahil nakaka-inspire umano ang kuwento ng buhay nito at marapat lang pamarisan ng ibang tao.