Una sa Balita

Mga negosyanteng umaabuso sa TRAIN Law arestuin – Duterte

By
0 429

PINAKILOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang surveillance team ng Department of Trade and Industry (DTI) para hulihin ang mga negosyanteng nagsasamantala sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakarating na sa Pangulo ang nagtaasang halaga ng mga bilihin pati na sa presyo ng langis kaya inatasan ang DTI na hulihin ang mga negosyanteng hindi sumusunod sa suggested retail price.

Ayon kay Roque, may katapat na multa o pagpapasara sa negosyo laban sa mga abusadong mga negosyante.

“Well, sa Malacañang naman po ang Presidente natin, hindi naman po manhid sa mga pangyayari. Talagang walang gusto po na ganitong kataas ang presyo ng langis. Kaya ngayon po ay nagbigay ng kaniyang utos – unang-una iyong DTI na magmasid at tala­gang hulihin iyong mga negosyante na lumalabag sa suggested retail price,” ani Roque.
“Kasi ang dami ring nagsasamantala sa ngayon, talagang napa­kataas ng bilihin, pero ito po siguro mga 70% nagsasamantalang mga negosyante. Mayroon po iyang fine at mayroon din po iyang pagkakasara. So iyan po, lahat po noong DTI surveillance team activated,” ayon pa sa Kalihim.

Binigyan-diin ni Roque na may sugges­ted retail price lalo na sa pagkain kaya i-check aniya ang mga binibili at kapag hindi sinunod ang SRP ay agad na i-report sa DTI.