Una sa Balita

Mga national shuttler sumablay sa quarters

0 281

Naligwak ang Pilipinas sa asam na quarterfinals matapos yumuko sa Indonesia sa 2020 Badminton Asia Team Championships Huwebes ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Manila.

Kinaldag ni 2019 Southeast Asian Games silver medalist Ruselli Hartawan si Bianca Carlos, 21-10, 21-18, sa second singles match.

Nakalamang pa si Carlos, 18-17, pero nagtala ng dalawang sunod na errors kaya biglang pumabor kay Hartawan ang laban.

Nagwagi sa unang set si Nicole Albo ng Pilipinas kay Gregoria Tunjung, 21-19, pero naging matatag ang kalaban niya para madale ang dalawang frame, 11-21, 9-21.

“Feeling ko na­ging maganda naman ‘yung performance ko, knowing malakas talaga ‘yung team ng Indonesia and ‘yung nakalaban ko is ‘yung ranked number one sa Indonesian team,” hayag ni Albo. “And I think nabigay ko naman ‘yung best ko.”

Kahit nawalis sa da­lawang set, pinahirapan naman nina Alyssa Leo­nardo at Thea Pomar sina Greysia Polii at Apriyani Rahayu bago sumadsad sa doubles event, 18-21, 12-21. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More