Una sa Balita

Mga nasunugan sa Las Piñas binisita ni Bong Go

0 255

PERSONAL na binisita kahapon nina Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar, Congresswoman Camille Villar at Senador Bong Go ang 41 pamilya na nawalan ng tirahan sa naganap na sunog nitong Huwebes nang madaling-araw sa lungsod.

Nagbigay ng tulong pinansiyal si Sen. Go sa mga pamilyang nasunugan katumbas ng 191 indibidwal na kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation center sa Malungay Covered Court, Phase 4, Barangay CAA sa Las Piñas City, dakong alas-2:30 nang hapon.

Nangako rin ng livelihood prog­ram ang senador katuwang ang Department of Trade and Industry upang makapagtayo ng maliit na negosyo ang mga biktima at makabangon sa nangyaring sunog.

Nag-alok din si Go ng gamit pang-eskuwela kabilang ang kumpletong uniporme at sapatos ng mga naapektuhang estudyante.

Unang namahagi ng tulong si Vice Mayor Aguilar ng mga kumot, banig, bigas, de-latang pagkain, noodles at pagkain sa mga biktima matapos mabatid ang insidente.

Naglagay naman ang Las Piñas Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Office ng mga modular tent sa evacuation center para sa bawat pamilyang nasunugan.
Magugunitang sumiklab ang sunog sa Mabuhay St., Phase 3, Barangay CAA, dakong alas-2:12 nang madaling araw nitong Huwebes na ikinatupok ng 31 bahay na pawang gawa sa light material at umabot sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-3:25 nang mada­ling araw.

Wala namang naiulat na nasaktan o namatay sa naganap na sunog.(Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy