Una sa Balita

Mga nasunugan nabilad sa araw sa pag-aabang kay senatoriable

By
0 645

ISANG nag-aambis­yong maging senador ang nagpasabi na darating para tumulong sa mga residenteng nasunugan sa isang lungsod sa Metro Manila.

Sa impormasyong nakalap ni Mang Teban, alas-siyete pa lamang nang umaga ay nag-abang na ang mga biktima ng sunog.

Lalo namang nakumpirma ang pagdating ng VIP nang paligiran na ng mga pulis at tauhan ng barangay ang lugar.
Pero ilang oras ngu­manga sa kahihintay ang mga residenteng nasunugan.

Kahit nakalatag na ang seguridad para sa pag­lapag ni Mr. VIP pati ang mga bantay ay nangawit sa kaaabang.

Dumating kasi si Mr. VIP pasado alas-12:00 na nang tanghali.

Pinaghintay ng lagpas limang oras ang mga nasunugan na nangitim dahil sa pagkabilad sa araw.

Okay naman sana ang hangarin na tumulong kaya lang huwag naman sana magpa-late.

Pintahan ninyo na. Ang senato­riable na limang oras nagpahintay sa mga biktima ng sunog ay kahawig umano ni Ai-Ai at may letrang B sa kanyang pangalan as in Baba.
Attachments area

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy