Una sa Balita

Mga nakasalamuha ni Cong. Yap dapat mag-quarantine – Panelo

0 564

Hinimok ng Malacañang ang mga opisyal at miyembro ng gabinete na nakasalamuha ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap na mag-self quarantine.

Inihayag ito ng Palasyo makaraang mag-positibo sa COVID test ang kongresista.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nalulungkot sila sa kundisyong medikal ngayon ni Yap at umaasaang gagaling agad sa pagkakaroon ng coronavirus disease -2019.

Kabilang sa mga nakasalamuha ni Yap noong Sabado sa Malacañang ay ilang miyembro ng gabinete , pati na si senador Bong Go.

Nag-self quarantine na sina Budget Secretary Wendel Avisado, DSWD secretary Rolando Bautista at ilan lang opisyal.

Sinabi naman ni senador Go na bagamat wala siyang nararamdamang sintomas ay susunod siya sa protocol ng self-quarantine.(Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More