Una sa Balita

Mga nakakakilig na ‘will you marry me’ gimik nina Zoren, Chiz, Chito atbp

0 591

Marami ang kinilig sa kuwentong engaged na si Sarah Geronimo sa kanyang boyfriend, ang hunk na si Matteo Guidicelli. Though walang anumang detalye kung paano naganap ang proposal ni Matteo kay Sarah, iniisip na lang ng kanilang fans kung paano ito nangyari.

Very creative na ang mga lalaki ngayon sa paraan ng kanilang pag-propose sa kanilang girlfriends. May kanya-kanyang gimik at sa tulong ng social media, napapanood ito ng marami.

Balikan natin ang mga naging proposal ng ilang male celeb sa kanilang mga ladylove. Aminin, kinilig ka rin sa mga paandar nila…

***

ZOREN LEGASPI AND CARMINA VILLARROEL

Bagama’t may kambal na silang mga anak (Maverick and Cassandra), maayos ang pagsasama nila Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, kulang na lang ay ang isang magarbong kasalan. August 23, 2014 nang makaisip ng gimik si Zoren para makapag-propose ito sa ina ng kanyang mga anak. Nag-set up ng kunwaring commercial shoot si Zoren sa tulong ng isang endorsement nila na Selecta. Wedding scene daw ang tema ng TVC kaya in full wedding outfit silang pamilya. Habang mine-makeup-an si Mina sa loob ng tent, narinig niya na nagkakaroon ng kaguluhan at nakikipagtalo si Zoren sa isang choreographer. Kunwari ay hinamon ni Zoren ang choreographer ng suntukan na ikinapraning ni Mina. Noong lumabas si Mina ng tent para awatin si Zoren, nagulat siya na biglang nagsasayawan na ang lahat at biglang nag-propose si Zoren. At ang bonggang part, kinasal sila agad dahil totoong wedding set-up ang lahat at hindi para sa isang TVC.

***

CHIZ ESCUDERO AND HEART EVANGELISTA

Iba naman ang gimik ni ex-Senator Chiz Escudero sa proposal nito kay Heart. August 23, 2014 nang magbakasyon sila kunwari sa Sorsogon for the long weekend. Hindi alam ni Heart na nandoon din ang mga close friends niyang sina Alessandra de Rossi, Lovi Poe at Rocco Nacino para sorpresahin siya. Kinagabihan ay dinala ni Chiz si Heart sa isang lugar kunsaan magdi-dinner daw sila. ‘Yun pala ay nandoon na lahat ng mga kakilala nila para masaksihan ang mga mangyayari. Pero hindi lang iyon ang sorpresa dahil may binasa pa si Chiz na isang letter na mula sa ama ni Heart na ikinaiyak nito. Doon na nilabas ni Chiz ang engagement ring at tinanong si Heart ng “will you marry me?”

***

CHITO MIRANDA AND NERI NAIG

Style naman ng Parokya ni Edgar vocalist ay kunwari ay isasama niya sa isang music video ang girlfriend na si Neri Naig. May 2014 noong nag-set up si Chito ng isang MTV shoot. Inasikaso niya ang lahat mula sa audio, ilaw at sa isusuot na prairie outfit ni Neri. Nang magsimula ang shoot ay nagulat na lang si Neri sa nakasulat na mensahe sa projector. Cue pala ito ni Chito para dalhan ng flowers si Neri at lumuhod on one knee at mag-propose sa umiiyak nang si Neri.

***

JOHN PRATS AND ISABEL OLI

Ang pagiging mahusay na dancer ni John ang kanyang ginamit sa proposal nito kay Isabel. September 24, 2014 nang mag-hire si John Prats ng 300 member dance crew para i-flash mob si Isabel na hindi aware sa mga nangyayari dahil abala itong mag-shopping sa Eastwood City kasama ang kapatid ni John na si Camille Prats. Sa takdang oras ay niyaya ni Camille na lumabas ng mall si Isabel para kumain at laking gulat niya na may flash mob at lumabas si John na naka-suit at may dalang engagement ring. Ayon kay John, three months daw niyang pinaghandaan ang sorpresang ito for Isabel at kakuntiyaba niya ang kanyang pamilya, ang pamilya ni Isabel at ang ilang kaibigan nila.

***

JERICHO ROSALES AND KIM JONES

Apat na buwan naman ang pagplano ni Jericho Rosales sa proposal niya kay Kim Jones. August 4, 2013 nang gawin na ni Jericho ang kanyang plano at birthday pa iyon ni Kim. Sa kanilang pag-attend ng Sunday service sa New Life Christian Center in Alabang, kinausap ng aktor ang kanilang pastor na tulungan siya sa kanyang gagawing proposal kay Kim. Nang tawagin siya para magsalita tungkol sa “unli love”, iyon na kanyang cue para mag-propose kay Kim sa harap ng maraming kasamahan nila sa church.

***

VICTOR ASUNCION AND YENG CONSTANTINO

March 14, 2014 nang isagawa ni Victor ang kanyang proposal kay Yeng. Nanood sila noong gabing iyon ng “Rak of Aegis” at niyaya ni Yeng si Victor sa isang coffee shop. Pero may ibang plano si Victor. Imbes sa coffee shop, dinala niya si Yeng sa lugar kunsaan una silang nag-date. Doon na raw lumuhod on one knee si Victor at nilabas ang isang singsing na galing pa sa kanyang ina. Sinabi niya kay Yeng: “Hindi ko na kaya to live another day na hindi ko nasasabi sa iyo”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy