Una sa Balita

Mga nakakakilig, maintrigang nakaraan ng AshMatt

0 577

Taong 2013 nang muling mag-cross paths sina Sarah at Matteo. Si Billy Crawford ang nag-reintroduce sa dalawa pagkatapos na aminin ni Matteo na crush nito ang singer. Nag-break sina Matteo at Maja noong 2012 pagkatapos ng kanilang pelikula.

Ayon kay Matteo: “I called Billy and I said, ‘Introduce me to Sarah, introduce me to her.’”

Inamin pa ng aktor na pumila siya sa isang show ni Sarah sa Batangas para sa meet and greet with matching photo op!

September 2013 ay sikretong nagkaroon ng relasyon sina Sarah at Matteo. Ilang tao lang ang nakakaalam nito dahil pinili nilang itago ito. Tuwing September (na siyang anniversary month nila) ay nagsasama ang dalawa para mag-celebrate. Noong third anniversary nila ay dinala ni Matteo si Sarah sa Cebu. Noong 5th anniversary nila ay nagbakasyon silang dalawa sa Europe.

June 19, 2014 ay inamin na ni Sarah sa media na boyfriend niya si Matteo. Ang term of endearment daw nila ni Matteo ay “mahal”.

Sa isang interview, sinabi ni Sarah: “Sige sasabihin ko na po, boyfriend ko na po si Matteo.”

July 17, 2014 nang maging open na si Matteo sa kanyang relasyon kay Sarah. Sinagot ni Matteo ang tanong tungkol sa mga magulang ni Sarah na balitang guwardiyado si Sarah pagdating sa love life nito.

Para kay Matteo, importante na nagpapakita siya ng paggalang sa magulang ni Sarah.

Sagot ni Matteo: “As long as we respect the parents, that’s the most important thing. And to not do anything outside, not to do anything rude.”

April 2015 ay ni-reveal ni Sarah na tanggap na ng kanyang parents ang kanyang relasyon kay Matteo.

Ayon kay Sarah: “It’s important that people around me are also happy for me. That is also Matt’s wish…we wish for love, understanding, and acceptance from both our families.”

January 2016 ay binalita ni Matteo na may approval na siya mula sa magulang ni Sarah. Sa dating show ni Kris Aquino na Kris TV, inamin ni Matteo na noong una ay hindi approve sa kanya ang parents ni Sarah, pero pinaglaban daw siya nito.

Sey ni Matteo: “I prayed a lot about the relationship and I am very proud of Sarah.”

September 29, 2018 nang rumampa sa red carpet ng ABS-CBN Ball sina Sarah at Matteo. Ito ang first time nilang nagsama sa isang big showbiz event at kinilig ang marami sa AshMatt couple.

November 7, 2018 nang mag-post si Matteo ng isang “meaningful” photo kasama niya si Sarah at ang kapatid nito na si Paolo. Ito na marahil ang kanilang official na engagement announcement na walang nakahalata.

Ang kapatid ni Matteo ang nag-reveal sa IG Stories na isang taon nang engaged sina Sarah at Matteo, pero wala silang pinagsabihan except ang kanilang pamilya at close friends.

February 2019 ay pilit na tinatago nila Sarah at Matteo ang kanilang engagement. Nakita nga raw si Sarah na may suot na isang malaking diamond engagement ring. Pero super-deny ang dalawa. Nagbiro pa si Matteo na masyado raw maliit ‘yung singsing para maging engagement ring nila.

July 2019 nang maging open si Matteo sa pagsabi na pinag-uusapan na nila paminsan-minsan ni Sarah ang pagpapakasal.

Sa interview kay Matteo sa “Tonight With Boy Abunda”, sinabi nito: “Sometimes talking about marriage steeps here and there… Siyempre, we’ve been together for a few years now.”

November 7, 2019 nang formally na i-announce ng AshMatt couple ang kanilang engagement. This time ay wala nang taguan at pagde-deny.

Sa caption ni Matteo para kay Sarah: “I love you, my love, now and forever.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy