Una sa Balita

Mga naiwang hayop sa Taal sasagipin ng PETA

0 209

SAKALING payagan ng mga awtoridad, papasukin ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia ang isla ng Bulkang Taal upang iligtas ang mga hayop na hindi sinama sa paglikas ng mga residente.

Sinabi rin ng PETA Asia sa isang pahayag nitong Lunes, Enero 13, na inaantabayanan nila ang pag-apruba ng gobyerno sa balak nilang pamamahagi ng pagkain at ­veterinary care sa mga hayop doon.

Sa ngayon, nagpunta na ang ilan nilang animal rescue team sa iba’t ibang evacuation center.

Nanawagan naman sila na ­ipabatid sa kanila sa mga nume­rong 0966-442-1708 o 8817-5292 kung may makita mang hayop na nangangailangan ng tulong.

Ilan sa mga donasyong kanilang tinatanggap ang t­elescope para tingnan kung may mga naiwan pang survivor sa isla, dog at cat food (basa at tuyo), mga face mask, at mga leash at collar.

Maaaring ihulog ang mga donasyon mula alas-diyes ng umaga hanggang alas-sais ng gabi sa kanilang tangapan sa Unit 706, Fedman Building, 199 Salcedo Street, Legaspi Village sa Makati. (SDC)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy