Una sa Balita

Mga nagugutom dumami — SWS

By
0 6

Tumaas ang bilang ng mga Pinoy na nakaranas ng gutom sa buwan ng Hunyo kumpara noong Abril, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).

Base sa isinagawang pagtatanong sa 1,200 respondents sa buong kapuluan noong Hunyo 24-27, umabot sa 15.2% o katumbas ng 3.4 milyong pamilya ang nagsabing sila ay nakaranas ng gutom mula sa 13.7% o 3.1 milyong pamilya noong Abril.

Sa bilang ng pamilyang nakaranas ng gutom, tinatayang tatlong milyong pamilya ang nagsabing minsan o ilang beses silang nakaranas ng gutom.

Samantala, mayroon namang 446,000 pamilya ang nagsabing madalas silang makaranas na walang laman ang tiyan.