Una sa Balita

Mga nag-inarte sa Asian Games, nagboluntaryo sa FIBA Qualifying

By
0 1,004

DESIDIDO nga ang Team Pilipinas na maibigay ang ‘the best’ nila sa ongoing Asian Games matapos nilang manalo kontra Kazakhstan.

Hindi pa diyan nakalaro si Jordan Clarkson na naihabol nga ang permiso mula sa NBA upang siya’y maisama. Malaki ang inaasahan sa NBA pla­yer lalo pa’t ang susunod nilang lalabanan ay ang koponan ng China, na mayroon ding mga NBA player na kasali.

Considering na kapos sa preparasyon ang koponan ni coach Yeng Guiao, damang-dama ang layunin nilang magkaisa at manalo. Tala­gang magaling na lider at tactician si coach Yeng Guiao dahil mukha namang totoo ang claim niyang mistulan niyang mga anak ang halos lahat ng nasa team kaya daw kabisadong-kabisado niya ang mga ito.

Sa naging chikahan namin bago pa sila umalis last week, nakiusap ito ng dasal at pagpapalakas ng loob para sa kanilang lahat. “To stay in best shape and great health,” dasal nito para sa mga nasa team.

Dagdag pa nito, “we have some staff na laging nagbibigay din ng update sa amin tungkol sa kampanya natin sa Asian Games. Kaya mababasa at malalaman namin ang mga mensahe, your prayers and wishes . Iyan ang isa sa mga bagong development na hatid ng social media. Madali ang updates at agad-agad kaming mas mai-inspire.”

***

Ayaw man na­ming mang-intriga, pero sadyang nakakaloka ang malaman na mayroon pala tayong mga professional player na nung sinubukang an­yayahan para buuin ang national team after masuspende ang karamihan sa FIBA, aba’y nag-inarte pala?

Ayon sa tsismis na a­ming nasagap, nagsisisi daw ang ilan sa mga sinubukang imbitahan dati dahil minarkahan pala sila ng ibang team na sumang-ayon sa pagkaroon ng solid national team.

At dahil nga sa pride and honor na nakukuha ngayon ng ilang nagsakripisyo para sa bansa, para raw mga kabuteng biglang nagsulputan ang ‘ilang player’ na nagnanais maging parte ng susunod na mga FIBA World Qualifiers.

May tsika pa na nagkalat din ang mga agent ngayon sa Asian Games mula pa sa NBA at iba pang internatio­nal league na may layuning makapag-scout ng mga player from the Asian region for future league/tourney.

Iba din kasi ang da­tingan at aurahan ng laban kapag may mga gaya ni NBA player Jordan Clarkson sa katulad na Asian tournament.

‘Yun kayang mga PBA player na nag-feeling superstar at ayaw man lang magalusan kaya dinedma dati ang invite for Asian Games ay kasama sa mga nagsisisi? Or sila ‘yung unang-unang nagpalista na biglang puwede na sila?