Una sa Balita

Mga MULTO nag-elevator

0 336

Mga ka-Misteryo nakatiyempo na ba kayong nakasabayan sa elevator ang mga multo?

Pag-usapan natin ‘yan ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”
Madaling araw na kung matulog si Romano at kailangan niyang ­maitapon muna ang basura sa condo unit nilang mag-asawa bago siya mahiga ng ­pasado alas-3:00 nang madaling araw.

Isang madaling araw ay ­pababa na siya para magtapon ng basura nang mapansin niya na tila abala ang ­elevator sa pagtaas at pagbaba para aniyang maingay pero ­inisip ­niyang baka may mga unit owner o tenant na nagpaparty sa roof deck ng kanilang condo building at tiyempong pauwi na sila.

Matiyaga siyang naghintay sa tapat ng elevator lalu na’t ­hindi niya alam kung saang floor na ang elevator dahil walang floor indicator. Nang biglang umilaw ang elevator at bumukas ito sa harapan niya pero walang tao.

Salungat ito sa kanyang naisip na baka maraming bumababa mula sa pinakatuktok ng building.

Bumulong na lang sa kanyang sarili si Romano: ­“siguro ­nakababa nang lahat ng mga bisita sa taas kaya wala nang ­laman ang elevator.”

Sumakay na siya sa elevator pero may kakaiba siyang ­naramdaman sa loob parang ang sikip at nahihirapan siyang makahinga. Inisip naman niyang baka napagod lang siya sa work at puyat siya.

Hanggang sa makarating na siya sa upper ground ng ­condo building para magtapon ng basura, nakahinga siya ng maluwag paglabas ng elevator.

Hindi na niya masyado pinansin iyon kaya pagkatapon ng basura ay balik agad siya sa ­elevator para sumakay paakyat ng condo building.

Nang mapansin niyang biglang nagbukas ang pinto ng isang elevator sa gawing kanan kaya ­lumapit siya doon para sumakay.

Laking gulat ni Romano walang ilaw sa loob ang elevator at nagbubukas-sara ito ng tuloy-tuloy at nasindak siya ng ­unti-unti niyang naaaninag ang mga multo na lumalabas sa elevator…ang matindi nito naririnig niya ang usapan ng mga palabas na mga kaluluwa.

Nang tanungin ng #TeamMisteryo si Romano, “Anong ­ginawa mo nang makita sila?”

Romano: “Hindi agad ako makakilos. Pero ilang segundo lang bigla ako umatras at tinignan sila. Kitang-kita ko ­hitsura nila para kulay ng dami.”
Tama yung sinabi ni Romano maging kalmado ‘wag magpanic.

***

Baka may kuwentong karanasan kayo sa mga ­multo, ­kaluluwang ligaw, engkanto, at iba pang misteryo, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang website www.reytsibayan.com at Abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy