Una sa Balita

Mga motorista guwardiyado ng SPD

0 331

Doble-higpit sa pagbabantay ang Southern Police District katuwang ang Philippine Marines kung saan 24/7 silang magpapatupad ng checkpoint sa SLEX upang ma-monitor ang mga motoristang nagtataglay ng sintomas ng Covid 19 tulad ng lagnat at ubo’t sipon.

Kasabay nito ay isang full body thermal scanner ang kanilang nilatag sa Filinvest exit North bound mula Laguna patungong Alabang at Maynila.

Nasa 37.5 temperature ng katawan ng tao ang hindi na papayagang makapasok ng Muntinlupa at Maynila.

Ayon sa SPD, layon nito ay upang ma-monitor ang temperature ng bawat motoristang dumadaan sa South Super Highway patungong Maynila.

Pagpapahingain muna bago ulitin ang temperature thermal scanner sa taong nagtataglay ng mataas na temperatura.

Kung hindi magbabago ang timpla saka na nila ito iho-hold bago naman sila tatawag ng doctor para suriin kung nagtataglay ba ito ng sintomas ng Covid-19. (Armida Rico)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More