Una sa Balita

Mga Miss U na nasangkot sa iskandalo, kontrobersiya

0 742

Amparo, Georgina, Oxana, Dayana, Alicia:

Ni: Ruel Mendoza

Dahil bukas na mapapanood nang live ang Miss Universe 2019 (sa Pilipinas), muling tututok ang maraming tao, lalo na ang mga beki at pageant fans, kung sino ang kokoronahan bilang bagong Miss Universe.

Maganda, matalino at maalindog ang sinumang nakoronahan bilang Miss Universe, pero may ibang winners na nagdala ng kontrobersya at intriga sa prestigious beauty pageant na ito.

Maging eksenadora kaya ang mananalong Miss Universe 2019?

Wala ngang nakakaligtas sa mga intriga, kahit na isa ka pang reyna ng kagandahan.

Balikan natin ang ilang winners na nagdala ng ingay at kontrobersya sa Miss Universe pageant…

GEORGINA RIZK (MISS UNIVERSE 1971)

Nagulat ang marami nang tanghaling Miss Universe ang taga-Beirut, Lebanon na si Georgina Rizk. Siya ang first woman from the Middle East na nanalo ng korona. Marami kasi ang nagtaka kung paano napayagan na mag-compete si Georgina na galing pa naman sa isang Muslim country. Nakapagsuot ito ng bathing suit at rumampa na suot ang evening gown na kita ang ilang parte ng katawan niya. Naging kontrobersyal din ang pakikipagkaibigan niya kay Miss Israel kahit at war ang kanilang mga bansa. The following year, hindi na nakasipot si Georgina sa 1972 Miss Universe in Puerto Rico para ipasa ang korona. Nakatanggap kasi ng death threats si Georgina at pinagbawalan siyang um-attend ng Miss Universe pagkatapos ang nangyaring Lod Airport Massacre, kunsaan 17 Puerto Rican tourists in Israel were murdered by Japanese militant terrorists under the banner of the PLO (Palestine Liberation Orgazination). Si Miss Universe 1970 Marisol Malaret of Puerto Rico ang nagpasa ng korona sa winner na si Kerry Anne Wells of Australia.

AMPARO MUNOZ (MISS UNIVERSE 1974)

Naging instant favorite si Miss Spain Amparo Munoz nang gawin ang Miss Universe sa Pilipinas in 1974. Six months after niyang makoronahan bilang Miss Universe, bigla itong nag-resign na bilang title holder sa hindi malamang dahilan. Ang balita ay may mga rules siyang ayaw sundin sa organization ng Miss Universe. Hindi napalitan si Amparo bilang Miss Universe dahil walang na-assign na kapalit niya mula sa mga naging runners-up niya. Dahil wala na ang korona sa kanya, pinagpatuloy ni Amparo ang pag-aartista niya sa Spain. Gumawa rin siya ng pelikula sa Pilipinas titled “Hayop Sa Ganda” in 1983 kasama si Miss Universe 1969 Gloria Diaz. Pumanaw si Amparo sa edad na 56 on February 27, 2011 dahil sa depression dulot ng sakit niya na Parkinson’s Disease.

ALICIA MACHADO (MISS UNIVERSE 1996)

Tinawag na “Miss Piggy” ni Donald Trump, who owned the Miss Universe franchise, si Miss Universe 1996 Alicia Machado of Venezuela. Hindi napigilan ni Alicia na mag-gain ng weight during her reign as Miss Universe. Inamin niya na hindi niya maiwasan ang kumain nang kumain kaya she gained 12 pounds at napansin iyon ng press sa isang event na dinaluhan niya. Pinagsabihan si Alicia na kung hindi siya magbabawas ng timbang, maaari siyang mabawian ng korona at ibigay ito sa naging 1st runner-up na si Taryn Mansell of Aruba. Dahil ayaw niyang ma-dethrone, nag-workout at nag-diet si Alicia para bumalik ang alindog niya. In 2015, isa si Alicia sa nagsalita laban kay Trump noong tumakbo ito bilang US president. Tinawag niyang “abusive to women” si Trump dahil tinawag siya ng kung ano-anong masasamang salita noong tumaba siya. In 2006, si Alicia ang kauna-unahang Miss Universe winner na nag-pose ng nude sa Playboy magazine.

OXANA FEDOROVA (MISS UNIVERSE 2002)

Walang umangal noong tanghaling Miss Universe 2002 si Miss Russia Oxana Fedorova dahil naging crowd favorite ito sa simula pa lang ng pageant. Pero after four months ay nagdesisyon na mag-quit si Oxana bilang Miss Universe. Ang rason niya ay hindi raw siya kumportable sa mga gagawin niya bilang Miss Universe at gusto na lang daw niyang tapusin ang kanyang law degree. Pinasa ang korona sa 1st runner-up na si Justine Pasek of Panama. Pero sa isang interview years after she quit being Miss Universe, sinabi niya na ang dahilan ng kanyang pagbitiw sa korona is because she was so insulted by the treatment she received noong mag-guest siya sa “The Howard Stern Show”. Tinanong daw siya ni Howard Stern ng mga sexual questions at hindi raw siya pinagtanggol ng pageant organizers.

DAYANA MENDOZA (MISS UNIVERSE 2008)

Bago manalo bilang Miss Universe in 2008 ni Miss Venezuela Dayana Mendoza, kinuha siya para mag-model ng isang kilalang jewelry firm. Lumabas ang kinunang ad ng jewelry brand after makoronahan si Dayana. Nagulat ang marami sa mala-pornographic poses ni Dayana. In the jewelry ad, Dayana “is wearing nothing but some jewelries and hiding assets with her hand and the back by her long hair.” Marami ang nag-demand na i-dethrone si Dayana dahil unbecoming of a Miss Universe winner ang ginawa niya sa jewelry ad. Pagkatapos pag-aralan ng organization ang naturang ad, wala raw silang nakitang masama o malaswa sa ginawa ni Dayana. Sa official statement, sinabi nila na ang ad ay “artistic in nature, and they don’t have an ounce of pornographic content to them.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More