Una sa Balita

Mga minanyak ng Miss Earth sponsor lumantad

0 2,478

HINDI lang pala ang kandidata ng Canada ang diumano’y minanyak ng isa sa sponsor ng Miss Earth 2018 beauty pageant kundi pati na rin ang pambato ng Guam at England.

Sa Instagram post ni Miss Earth Guam Emma Mae Sheedy, pinangalanan din niya ang lala­king nambastos sa kanya na isang Amado S. Cruz.

“The sponsor who’s name is Amado S. Cruz became a problem for many of the delegates, including myself. To focus on ONLY myself, I was pulled aside multiple times to be invited to Boracay, private islands and into his house and insisted that I and ‘the latino women dance for him,” saad sa caption ni Sheedy.

Ipinost din niya ang larawan ni Cruz sa Instagram Story. May isang insidente na hinawakan ng lalaki ang kanyang likuran na exposed, pero nang pumalag siya ay sinabihan siyang huwag ikukuwento ang pangyayari.

“Amado S. Cruz grabbed my bare backside at the National Costume Competition where I was able to push him away, but he consistently told me not to tell anyone about any of the instan­ces,” dagdag ng dalaga.

Ayon kay Sheedy, kinausap nina Miss England AbbeyAnne Gyles-Brown at Miss Canada Jaime VandenBerg si Lorraine Schuck ng Carousel Productions, ang nagmamay-ari ng Miss Earth, na huwag pasalihin si Cruz sa mga aktibidades, su­balit namataan pa rin itong pagala-gala hanggang sa coronation night noong Nobyembre 3, 2018.

Ikinuwento rin ni Gyles-Brown ang parehong karanasan niya sa beauty pageant, bagama’t hindi nito pinangalanan sa Instagram ang sponsor na humingi ng sexual favor kapalit ng korona.

“I was approached by a sponsor on so many occasions…This happened at Manila Yacht Club on a sponsored evening meal away from the team managers behind closed doors. The sponsors also tried to find out what hotel and room I was staying in. Myself and Canada approached the team managers to express our disgust only to be laughed at,” kuwento ng kandidata.

“There was no respect or compassion shown to myself or Jaime. I felt traumatized by this experience and had many sleepless nights,” dagdag pa niya.

Ang mga larawan ni Cruz ay ipinost din ng isang Prince Puaso sa Twitter nitong Huwebes.