Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga militanteng grupo lagare sa kilos-protesta vs Comelec

0 55

Magkasunod na nilagare ng mga militanteng grupo ang mga kalsada patungong Liwasang Bonifacio sa Maynila at Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kahapon ng umaga para patuloy na i-protesta at kondehanin ang Commission on Elections (Comelec) sa pagkakapanalo ng tambalan nina presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio.

Nagtipon sa Liwasang Bonifacio ang may 200 miyembro ng mga grupong Kilusang Mayo Uno( KaMU), Bayan, Gabriela, Migrante, Anapawis, ACT Teachers, SELDA, at iba pa at saka sumugod sa PICC kung saan ginagawa ang canvassing para sa senatorial at party-list race ganap na alas-8:40 ng umaga.

Sakay ang mga ito ng mga bus na may plakang ABH 1308 at PW90 109 habang may bitbit na mga tarpaulin na may nakasulat na “No to Marcos-Duterte,” “No to electoral fraud,” “Reject Marcos, Duterte,” “Itakwil ang madu­ming halalan” at iba pa.

Mapayapa naman nilisan ng mga raliyista ang lugar nang mabigo silang makapasok sa pasilidad dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga pulis pasado alas-12:00 ng tanghali.

Una nang sinabi ni Manila Police District director PBGen Leo Francisco na papayagan lang nila ang rally sa Maynila kung mayroon silang permiso alinsunod na rin sa utos ni Mayor Isko Moreno Domagoso na mahigpit na pagpapatupad ng ‘No Permit, No Rally’ policy sa lungsod para maiwasan ang anumang kaguluhan o karahasan. ­(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.