Una sa Balita

Mga middle income family panalo rin sa Free Tuition Law

0 245

HINDI lang tungkol sa libreng matrikula sa mga state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUDs) para sa kabataang mula sa mahihirap na pamilya ang Republic Act 10931 na lalong kilala sa pangalang Free Tuition Law.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, may tuwirang benepisyo rin ang batas para sa mga kabataang mula sa ‘middle income families’ na hindi kuwalipikado sa ‘free tuition,’ at mga mag-aaral sa mga pribadong pamantasan.

Ito’y sa pamamagitan ng magaang pautang na babayaran lamang nila kapag sila’y nakapagtrabaho na at umabot na sa ‘minimum annual gross income’ o ‘compulsory repayment threshold’ (CRT) ang kanilang sahod.

Ang bayad ay kokolektahin ng GSIS o SSS bilang porsiyento ng kita nila, bukod sa iba pang buwanang bayarin nila.

Si Salceda ang orihinal at pangunahing may-akda ng ‘Universal Access to Quality Tertiary Education Act’ (UAQTEA) na binalangkas batay sa ‘higher education contribution scheme’ (HECS) ng Australia.

Una itong sinubukan ni Salceda sa Albay nang siyam na taong siyang gobernador nito hanggang 2016 kung saan siya bumalik sa Kamara.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy