Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga Metro Manila mayor aprub sa alert level 3

0 70

Pinaboran ng ilang alkalde sa Metro Manila ang pagbaba ng alert level sa National Capital Region (NCR) mula alert level 4 hanggang 3 kasunod ng pagbababa ng kaso ng COVID-19.

Kasalukuyang nasa alert level 4 ang Metro Manila hanggang October 15, kaya naman umaasa ang ilang alkalde na mapababa ang status level upang muling mabuhay ang ekonomiya ng bawat lungsod.

Isa rito si Mandaluyong Mayor Menchie Abalos na pumabor na magkaroon ng alert status relaxed.

Gayundin si San Juan Mayor Francis Zamora na pabor sa alert level 3 ang Metro Manila dahil karamihan ng mga siyudad ay mababa na ang kaso ng COVID-19.

Maging si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ay naniniwalang dapat nang ibaba ang alert level status ng Metro Manila.

“Personally, dapat ibaba na po ang alert level,” dagdag pa niya.

Kahapon ay ibinaba na ng IATF sa alert level 3 ang NCR mula Oktubre 16 hanggang Oktubre 31. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.