Una sa Balita

Mga Metro cocker sa Pasay Derby

0 287

HIGIT 70 sultada ang nakalinya sa Pasay City Cockpit sa sagupaan ng mga Metro Manila cocker, ang ‘Ace and Elbie 4-Cock Derby’ ngayon, Biyernes, Jan. 24.

Imbitado ni PCC matchmaker Goody Ace Lamboloto at ng Elbie Pasay group ang mga kalahok mula sa Roligon, Elorde Stadium, Las Piñas Coliseum, San Juan Coliseum, Sta. Monica Cockpit at National Cockers Alliance (NCA).

Nitong nakaraang Biyernes, kampeon sina Renato Shio/AA (Panda), Rolando Galvez ng Majayjay, Laguna (Neneng B) at Top Jun Matanghari entry sa ‘Erica and Friends 4-Cock Derby’ (76 sultada).

Aabot sa P300,000 ang premyo sa derby ngayon hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Kasunod sa Pasay Cockpit sa Feb. 14 ang ‘2020 LGBA Cocker of the Year’ race.

Ayon kay Luzon Gamecock Breeders­ Association (LGBA) President Nick Crisostomo, tatanggap ang COTY winner ng P500,000 at silver cup mula sa Sagupaan Agricultural Products, Inc.

Tawagan lamang ang 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 8843-1746 at 8816-6750. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More