Una sa Balita

Mga maykaya ‘wag umasa sa cash aid- Nograles

0 417

Nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang cash aid na pinapamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay para lamang sa mahihirap na pamilya at hindi para sa mga maykaya sa buhay.

“Hindi ito para sa mga maykaya,” ani ni Nograles na siyang spokesperson ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID).

Aniya, ang P5,000 hanggang P8,000 na pinapamahagi ng DSWD ay para lamang sa 18 milyong mahihirap na pamilya sa bansa.

Tiniyak din ni Nograles na magkakaroon ng tamang accounting sa paggamit ng pondo. Unang naglabas ng P100 bilyon ang Department of Budget and Management sa DSWD upang magamit sa social amelioration program.

Kapag nakapag-liquidate na ang DSWD sa pinamahaging P100 bilyon sa mahihirap na pamilya, saka na ire-release ng DBM ang panibagong P100 bilyon para naman sa buwan ng Mayo.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More