Una sa Balita

Mga may-ari nasa sementeryo 6 na bahay natupok sa Makati

0 277

NASA 13 pamilya ang nawalan ng tirahan nang tupukin ng apoy ang anim na bahay sa naganap na sunog sa paggunita ng Araw ng mga Kaluluwa kahapon ng-madaling araw sa Makati City.

Ayon kay Makati City Fire Marshal Supt. Roy Quisto, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang mag-umpisa ang sunog sa bahay ng isang nagngangalang Pong Candas sa Camias St., Brgy. Cembo.

Mabilis na kumalat­ ang apoy sa mga katabing bahay na pawang gawa lamang sa light material.

Lumalabas sa imbes­tigasyon, sa anim na tinupok na bahay ay sinasabi umanong walang tao dahil nasa mga sementeryo ang may-ari ng mga ito.

Umabot ng ika-tatlong alarma ang sunog at bandang alas-3:45 ng madaling-araw nang ideklarang fire out.

Isa sa mga tinitignan ng arson investigator na faulty electrical wiring­ ang naging sanhi ng sunog.

Tinatayang nasa P600,000 ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy sa naganap na sunog.

Paalala ng mga ­awtoridad, siguruhing nakapatay ang ilaw at natanggal sa saksakan ang mga appliance para maiwasan ang sunog. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy