Una sa Balita

Mga matatanda malulungkot – Vice Ganda

0 545

‘Pag nawala ang Dos:

Kilala nga si Vice Ganda na malapit sa matatanda, kaya ganoon na lang ang pagbibigay niya ng halaga sa mga pangangailangan nila. At para sa kanya, ang panonood ng ABS-CBN ang lubos na nagpapasaya sa mga Kapamilyang may edad na at sigurado raw na ikakalungkot nila kapag nagkataong mawala ito.

“Alam mo ‘yung TV, ang laki ng nagagawa niyan sa buhay ng matatanda. ‘Yung mga lola natin wala naman nang ginagawa, mahihina na o ‘yung iba may nararamdaman na. Talagang nakatutok sila sa TV. Imagine mo ang buhay ng matatanda kung walang telebisyon… lalong-lalo na ang ABS-CBN. Nai-imagine mo ba ‘yung araw na hindi mo napapanood ang ABS-CBN?” sabi ni Vice habang ini-interview ang isang contestant ng “Tawag ng Tanghalan”.

May point ang Unkabogable Star. Siyempre, TV na lang ang libangan ng mga matatanda tapos posible pang mawala kapag nagsara ang ABS-CBN. Patunay diyan ‘yung 101-year-old na fan ng Dos na na-feature sa 65th anniversary video ng network, na nanalo pa ng award sa Singapore.

Nang mabalik na sa contestant ang usapan, sinabi niya na nakikinood lang daw siya ng TV sa kapitbahay, at wala siyang magawa kapag nililipat na ng may-ari ang channel. Kaya sabi ni Vice, bibigyan daw niya ito ng TV, pero ang punchline, kay Jhong Hilario daw ito manggagaling dahil siya ang konsehal. Napunta rin kay Vhong Navarro ang kulitan, na nagbirong patungan na lang daw ng TV ang ibibigay niya.

Pero para matapos na ang pagtatalo nila, nauwi na lang sa larong “maiba taya” at “bato-bato pick” ang desisyon. Sa dulo, si Vhong ang natalo at dapat na magbigay ng TV, si Vice ang toka sa patungan ng TV, at kay Jhong naman ang ABS-CBN TVplus.

Lotlot, Lolit face-to-face nauwi sa tawanan

Nagharap nga finally sina Lotlot de Leon at Lolit Solis, matapos pumutok ang isyu sa pagitan nina Janine Gutierrez at Sen. Bong Revilla, Jr.

‘Di ba nga, nag-react si Janine sa balitang magbabalik-teleserye na si Sen. Bong. At hindi pinalampas ‘yon ni Tita Lolit, at agad siyang nagpatutsada kay Janine.

Na hindi rin naman pinalampas ni Lotlot, dahil agad niyang pinagtanggol ang kanyang anak.

At kahapon nga ay pumirma ng kontrata si Lotlot bilang bagong talent ni Leo Dominguez, at isa nga sa dumalo na kolumnista, manunulat ay si Lolit Solis.

Siyempre, hindi naman nagkaroon ng tensiyon sa dalawa, dahil sabi nga ni Lotlot, matagal na niyang kilala si Lolit, at katunayan ay ‘Nay Lolit’ nga ang tawag niya rito.

Pero siyempre, hindi rin pinalampas ni Lolit at tinanong pa rin niya si Lotlot kung bakit ganu’n ang reaksiyon ni Janine kay Sen. Bong. Na sinagot naman ni Lotlot, na hindi niya alam, dahil sabi nga niya, kahit anak niya si Janine, may sarili itong pag-iisip. Hindi nga raw niya ito puwedeng utusan sa kung ano ang dapat sabihin, dahil again, may sarili itong opiniyn, at pag-iisip. Siyempre, nauwi sa tawanan at kulitan na lang ang lahat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More