Una sa Balita

Mga MasterChef judge, natakam sa adobo ng Pinoy cook

0 1,150

NABIGO man makausad sa next round ang Fili­pino chef na si Ralph Xavier Degala, tumatak ­naman sa mga judge ng MasterChef sa Estados Unidos ang luto nitong adobong manok.

Sa isang episode ng show, walang takot na ipi­narada ni Degala ang niluto nitong chicken adobo­ dahil ito ang simbolo ng pagiging isang Pinoy.

“Filipinos, chicken adobo are like synonyms with each other and so I’m doing a deep friend version of it served with rice,” wika ni Degala na isa ring accountant sa Houston.

Sa una ay hindi impresibo ang mga judge sa niluluto ng Filipino chef, subalit nang matikman na nito ang pagkain ay nabigla ang mga ito sa kakaiba at katakam-takam na lasa.

“It’s rich, it’s fun in a very unique Ralph way,” saad ni Judge Aaron Sanchez.

“The flavor, that is delicious. It’s a really good dish,” dagdag naman ni Gordon Ramsay.

Ang putahe ni Degala ang naging daan para mabigyan siya ng apron at makapasok sa contest.

Subalit sa elimination round, natanggal din si Degala nang hindi magustuhan ng mga judge ang ginawa nitong brazo de mercedes.