Una sa Balita

Mga mangingisda apektado rin sa pagsirit ng inflation rate

By
0 133

DAHIL sa mataas na inflation rate na nagresulta ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, naapektuhan din ang kabuhayan ng mga mangingisda sa bansa.

Isinisisi ito ng militanteng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa inflation o pagtataas ng lahat ng presyo ng mga panguna­hing bilihin at panga­ngailangan.

Ayon sa grupo, mula ng ipatupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, nagbawas na sila ng biyahe ng pangi­ngisda na mula sa anim hanggang walong oras, nga­yon ay apat hanggang anim na oras na lamang.

Maliban dito, iniha­yag pa ng pamalakaya na mula sa apat hanggang limang araw kada isang lingo ang kanilang paglalayag, ngayon nasa apat hanggang limang araw na lamang.

Inihalimbawa ng mili­tanteng grupo ang pagbawas nila ng ipinakakargang 12 litro nila tuwing maglala­yag dahil sa umaabot na sa P55.95 kada litro ang presyo kada buwan.

Anila, nagreresulta ito sa pagbaba na rin ng kanilang mga nahuhu­ling isda at nagpapababa sa kanilang kita na kalimitan ay hindi sapat sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan.

Imbes na bigyan anila sila ng ayuda ng administrasyong Duterte ay inuuna pang papasukin ang mga impor­ted na isda sa merkado na maituturing na pa­nandalian o bandaid solution.

Matatandaang sa ulat ng Phililippine Statistics Authority (PSA) sumirit ang inflation rate sa 6.4 porsiyento na pinakamataas sa nakaraang siyam na taon.