Una sa Balita

Mga manggugulo sa SEA Games nasawata agad

0 332

SINIGURO ni Philippine Southeast Asian Games Organi­zing Committee (Phisgoc) Chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano na magiging maayos at ligtas ang iho-host ng bansa na ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games na magbubukas sa susunod na Sabado, Nobyembre 30.

Sinabi ni Cayetano na ilang panganib sa seguridad ang napag-alaman ng mga kinauukulan kung saan agad itong pinagkaabalahan ng mga puwersa ng militar sa bansa bago pa ang posibilidad na makagawa ng hindi maganda para sa ikaapat na pagkakataon na pagho-host ng bansa sa kada dalawang taong SEA Games.

“As for the security and safety of the participants as well as the spectators, it was briefed two or three weeks ago, and may nabalitaan na mga threat but agad-agad na umaksyon ang security forces,” sabi nito.

May dalawang linggo na lamang ang natitirang panahon bago ang pagbubukas ng SEA Games sa Nobyembre 30 kaya naman mas lalo pang pinaigting ng puwersang militar ang pagmomonitor sa mga posibleng gagawa ng mga karahasan partikular na sa pagbubukas ng torneo.

Inaasahang darating sa bansa ang mahigit na 10,000 atleta, coaches at opisyal ng iba pang kasaling 10 bansa na magsasama-sama sa tradisyunal na parada ng mga atleta at opisyal na pagbubukas ng multi-sports na torneo.

Kabilang sa kalahok ang Thailand, Indonesia, Malaysia, Vietnam, Singapore, Laos, Timor Leste, Myanmar, Cambodia at Brunei Darrusallam. (Lito ­Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy