Una sa Balita

Mga magulang, opisyal ng eskuwelahan pinagbabayad ng danyos

0 443

Makaraang ma-bully­ ang isang Grade 2 pupil sa isang pribadong paaralan sa Maynila, inatasan ng Quezon City Regional­ Trial Court (QCRTC) na magbayad ng hala­gang P220,000 ang opisya­les ng paaralan at angmga magulang ng isang mag-aaral na sinaktan ng kapwa nito estudyante sa loob ng eskuwelahan.

Napatunayan ni Quezon City RTC Judge Mari­lou Runes-Tamang ng Branch 97 na ang mga opisyal ng Saint Jude Catholic School-Maynila ay may pananagutan sa labis na kapabayaan sa pagpigil sa komisyon ng pananakot laban sa isang mag-aaral na Grade 2 walong taon na ang nakalilipas.

Napatunayan din na may kaakibat ng pananagutan sa mga gawaing pambu-bully at mga gawaing pang-aapi ang mag-asawang­ Eugene at Joanne Lee, mga magulang ni Patrick Eugene, na 19-taong gulang nga­yon, na nang-bully sa biktima sadyang itinago angpangalan.

Ang ina ng biktima na si Melita Go ay agadna naghain ng kaso matapos ang ­insidente.

Naganap ang promulgation ng korte ay noong Nobyembre 18 ngunit ang desisyon ay inilabas lamang sa media nitong weekend.

Sa kanyang 122 pahinang desisyon, hinatulan ni Runes-Tamang ang principal ang dalawangschool principal ng St. Jude at Grade 2 class adviser na si Ms. De Guzman. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More