Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga magsasaka paboran kesa sa mayayamang importer – Bong Go

0 97

Hinimok ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang pamahalaan na maghinay-hinay sa pag-angkat ng produktong pang-agrikultura dahil maaapektuhan nito ang mga lokal na magsasaka.

Ginawa ni Go ang panawagan matapos ipanukala ni Sugar Regulatory Administration (SRA) ang panibago na namang pag-angkat na asukal sa bansa.

“I’m appealing po sa ating Executive Department. Department of Agriculture, unahin n’yo po ang kapakanan ng mga farmer,” apela ni Go.

“Kung hindi naman kailangan mag-import, ‘wag muna. Unahin muna nating bilihin itong mga produkto ng ating local farmers dahil ang makikinabang po dito ‘yong maliliit. ‘Yong mga isang kahig, isang tuka,” dagdag pa niya.

“Ito namang mga importer po, ma¬yayaman na po ‘yan so unahin natin ang kapakanan ng small farmers. Kung sa tingin n’yo kulang na, saka na kayo mag-import. ‘Yon po ang trabaho ninyo — to balance everything,” diin ni Ho.

“Please lang po, ‘yan ang parati kong stand noon pa. At hindi magbabago ‘yan. Interes po ng bawat maliliit na farmers ang unahin,” sambit pa niya.

Una nang nabahala ang mga magsasaka ng asukal sa bagong proposal ng SRA na mag-angkat ng asukal na aabot sa 350,000 metriko tonelda.

Subalit iginiit ni Agriculture Secretary William Dar na ang pag-angkat ay kailangan dahil sa posibleng magkaroon ng shortage ng suplay nito sa bansa sa hinaharap.

“Kung kailangan batikusin ‘yong Department of Agriculture babatikusin ko po ‘yan. Patapos na po ang termino ni Pangulong Duterte. ‘Yon naman po parati ang ipinapaalala ni Pangulong Duterte sa inyo,” ani Go. (Dindo Ma-tining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.