Una sa Balita

Mga magsasaka, mangingisda nalagasan ng ₱565M ng bagyong Henry, Inday

By
0 3,288

Umabot na sa P565.19 milyon ang danyos sa mga magsasaka at ma­ngingisda dahil sa pamiminsala ng bagyong Henry at Inday.

Ayon sa Department of Agriculture, pinakamalaki ang lugi ng mga nagsasaka ng bigas na umabot na sa P428.03 mil­yon sa mga lalawigan ng Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Bata­ngas, Rizal, Laguna, Occidental Mindoro, Negros Occidental at Aklan.

Nabatid sa DA na nasa 26,667 ektaryang pala­yan ang nasira kaya’t 324 toneladang bigas ang nawala bukod pa sa 1,338 kaban ng punla matapos anurin ng baha.

Nasa P1 milyon naman ang lugi sa mais dahil 60 ektaryang maisan o katumbas ng 61 toneladang mais ang nasalanta sa Asingan at Binalonan sa Pangasinan.

Umabot naman sa P136.16 milyon ang lugi ng mga mangingisda, kasama na ang mga nasi­rang palaisdaan at kagamitan sa Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, at Calabarzon.

Kinumpirma naman ng DA na nagpadala na ito ng 114,596 na sako ng bigas na pangpunla na ipamimigay sa mga magsasaka sa Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley and Southern Tagalog.

Mamimigay din ng 10,372 na sako ng mais at 578 na kilong buto ng mga gulay na pangtanim.