Una sa Balita

Mga magsasaka, mangingisda `di sakop ng lockdown

0 734

Pinapayagang magtrabaho ang mga magsasaka at mangingisda kahit nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Ito ang ipinahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa press briefing Miyerkoles ng hapon, upang masiguro aniya ang patuloy na supply ng mga pagkain sa mga pamilihan.

Binanggit ng kalihim ang Resolution No. 15 ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kung saan nakasaad na lahat ng “healthy farmers and farmworkers, fishers, and agri-business personnel”ay hindi sakop ng enhanced community quarantine.

Pinapayagan din na bukas ag mga agricultural supply store o outlet at mga veterinary clinic,

Tiniyak ni Nograles na magpapatuloy ang maluwag na galawan ng mga supply para sa agrikultura, kabilang na ang food packaging at manufacturing materials sa panahon ng enhanced community quarantine.

Pinakilos din aniya ang mga Local Price Coordinating Councils para i-monitor ang galaw ng mga presyo ng mga bilihin.

Sinabi pa ni Nograles na inaprubahan din ng task force ang rekomendasyon ng Department of Agriculture na buhayin ang “KADIWA ni Ani at Kita” project para suportahan ang patuloy na supply ng mga pagkain sa merkado at mapanatili ang presyo ng mga ito. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More