Una sa Balita

Mga magsasaka ituring na frontliner – SINAG

0 388

Nakarating sa impormasyon ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na maraming magsasaka at mga farm worker ang hindi nakakapagtrabaho dahil sa hinaharang sa mga checkpoint bunsod ng pinapatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Nagbabala ang SINAG na kung ikakahon lamang sa kanilang bahay ang mga magsasaka at farm worker, maaapektuhan ang supply ng pagkain sa Metro Manila at ibang panig ng Luzon.

“Dapat tuloy tuloy ang food production sa farms. Mauubusan tayo ng pagkain kapag wala nang nagsaka,” giit ni Rosendo So, chairman ng SINAG.

Ayon kay So, ang hawak na quarantine pass ng mga magsasaka ay limitado lamang sa barangay kung saan matatagpuan ang kanilang bahay. Ang lupang kanilang sinasaka ay kalimitang malayo sa kanilang bahay.

“Ang tirahan ng mga magsasaka o manggagawang bukid ay kalimitang nasa ibang barangay o karatig na munisipyo. Iba ang magiging hawak nilang quarantine pass o barangay ID at hindi sa lugar na kanilang sinasaka,” saad ni So.

Dahil dito, muling nanawagan ang SINAG sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease na ituring ang mga magsasaka, mangingisda at raiser bilang mga frontliner sa gitna ng coronavirus pandemic.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More