Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga luxury car malinaw na ebidensiya! Pharmally, DBM deal tongpats tumibay – Lacson

0 242

Kumbinsido si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na ginawang gatasan ng mga opisyal ng Pharmally Pharmaceuticals ang mga overpriced na medical supply para sa Department of Health (DOH) dahil agad umanong nakabili ang mga ito ng mamahaling sasakyan matapos na makuha ang nasabing kontrata sa pamahalaan.

Sinabi ni Lacson na tutukuran niya ang im¬bestigasyon ng blue ribbon committee dahil sa nasilip nilang circumstantial evidence na maaaring maging daan para matukoy ang ugat ng katiwalian sa paglipat ng P42 bilyong pondo mula sa DOH patungo sa Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).

Aniya, lalong tumitibay ang hinala nila na may mga kumita sa kontrata ng medical supply dahil may mga tumatagas pa ring impormasyon kahit tumatanggi ang mga resource person na makiisa sa mga pagdinig ng blue ribbon committee.

“Unti-unti naliliwanagan natin ang story behind ng paglipat sa P42 bilyon ng DOH sa PS-DBM,” ani Lacson.

Matibay aniyang circumstantial evidence ang pagbili ng mga opisyal ng Pharmally Pharmaceuticals ng mga mamaha¬ling sasakyan matapos makuha ang nasabing kontrata sa pamahalaan.

Kumbinsido si Lacson na hindi makakabili ng mga high-end na sasakyan ang mga ito kung walang nangyaring overpricing.

“Agad-agad parang napakaraming pera,” giit ng senador.

Dahil dito, iginiit ni Lacson na hindi sapat ang isang pagdinig na lang na itinakda sa Setyembre 21 para matapos ang im¬bestigasyon sa nasabing usapin.

Marami pa aniyang senador ang hindi nabibigyan ng pagkaka¬taon na makapagtanong lalo pa at maraming impormasyon ang patuloy na lumalabas.

Nilinaw din niya na walang halong politika ang imbestigasyon ng Senado kaya umaasa siya na makikiisa sa kanila ang Executive Department.

Wala umano silang tina-target na tao sa gobyerno dahil ang puntirya ng kanilang imbestigasyon ay ang maling paggamit ng pondo ng bayan.

Ang kuwestiyonableng kontrata ng Pharmally sa PS-DBM ay nangyari sa ilalim ng pamamahala ngNdating undersecretary ng DBM na si Christopher Lao. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.