Una sa Balita

Mga lumang salapi sa China tinago

0 370

HINDI lang mga tao, pati na ang mga salapi sa China ay pina-disinfect at tinago upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus na kumitil na ng higit 1,500 katao.

Gumagamit ng ultraviolet light at mataas na temperatura sa pag-disinfect ng Yuan, saka seselyuhan at itatago ang cash sa loob ng 7 hanggang 14 araw bago ilabas muli sa sirkulasyon.

Ito ang ginawang hakbang ng central bank ng China upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Higit sa 66,000 katao sa China ang tinamaan ng virus at kumalat na rin ito sa higit dalawang dosenang bansa.

Ayon kay Fan Yifei, deputy governor ng central bank, nirekomenda nila sa mga bangko ang pag-iisyu ng mga bagong salapi sa customer.

Naglabas, aniya, ang central bank ng 4 billion Yuan sa Hubei province, ang epicenter ng outbreak.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Coronavirus Disease (COVID-19) ay naikakalat sa droplet at direct contact sa infected patient kundi pati na sa mga kontamidong gamit.

Hindi pa mabatid kung magiging epektibo ang naging hakbang ng central bank dahil­ karamihan ng mga ­Chinese ay gumagamit ng mobile payment sa naka­lipas na ilang taon. ­(Juliet de Loza-­Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More