Una sa Balita

Mga liyamadista tutok kay Obra Maestra

0 289

NAKATUTOK ang mga liyamadista kay Obra Maestra paglarga ng Three-Year-Old Group Race (6) ngayong alas-siyete ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie Guce si Obra Maestra sa event na may distansiyang 1,300 meters, inaasahang magiging mahigpit na karibal sina Iikot Lang at Big Hook.

“Magagaling ang mga kalahok sa 3-year-old race pero kay Obra Maestra ako lalagay, class A pa ang hineta kaya malaki ang tsansa na manalo,” saad ni Juancho Moreno, veteran karerista.

Pasisisbatin sa Race 2, ang ibang kalahok ay sina Money For Sheltex, Sure Win, Oktubre Katorse at Batang Baclaran.  

Samantala, may wa­long kabayo naman ang magtatagisan ng bilis sa 3-YO Group Race (7) na pasisisbatin sa pang-apat na karera.

Magbabanatan sina My Dad Bogart, Sky Rocketing, Anika’s Will, Always Ready, Coup D’ Etat, Munting Anghel, Money For Tony at Phenomenal. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy