Una sa Balita

Mga liyamadista nabutas ang bulsa

0 408

NABUTAS ang bulsa ng mga liyamadista nitong Sabado sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite tapos manalo ang mga dehadong kabayo.

Medyo ‘di pa nasaktan ang mga liyamadis­ta sa First double para sa Race 3 at Race 4, pinapawisan pa lang sila dahil wala pang mga top favorite na nananalo.

“Ang hirap ng karera, ‘di makapuro, ‘yung winner take all ko laglag agad sa race 3,” hinaing ni Jonathan Galledo, mananaya sa off-track. “Sa likod lalong nalagas ang bulsa ko nang magsipanalo ang mga deha­dong kabayo ni Atty. Narciso Morales.

Tatlong pag-aari ni horse owner Morales ang nanalo ng sunod-sunod sa races 5, 6 at 7 dahilan upang lukutin ng mga liyamadista ang hawak nilang programa ng karera.

Nagwaging dehado si Great Britain sa Condition Race category 17 sa Race 5, unang tumawid sa meta si Dugong Bughaw sa Race 6 habang sinilat ni Believe Me ang liyamadong Constitution sa Race 7. Lahat sila’y mga kabayo ni Morales.

“Yung mga fan ni Atty. Morales ang mga nagsitama talagang masusundan nila yun, ako kasi liyamadista, pero si Believe Me kahit paano nakuha ko kasi second choice siya,” malungkot na kuwento ni Artemio Carbajal, kareristang taga-Tayuman.

Sa last daily double pumabor sa mga liyamadista ang karera nang manalo sina Cool Mom at Storm Chaser sa Races 8 at 9 ayon sa pagkakasunod. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More