Una sa Balita

Mga liyamadista galit sa talo ni Viva Morena

0 350

UMUUSOK sa galit ang ibang liyamadista sa pagkatalo ng outstanding favourite na si Viva Morena sa Condition Race Merged Category 10 nitong Biyernes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Katuwiran ng mga karerista ay malakas ang nilalabanan ni Viva Morena tulad ni super horse Bugle Notes.

“Ang lakas ng nilalabanan ni Viva Morena, tinalo pa nga niya si Hitting Spree, tapos matulin siyang kabayo pero nakadagit sa kanya si Ack,” paliwanag ni Generoso Calvante, beteranong karerista.

Ayon sa ibang mga karerista, ipinakita ni Viva Morena ang kanyang tulin nang labanan nito si Bugle Notes sa Cojuangco Cup nakaraang taon.

Naging trending sa Facebook ng karera ang pagkatalo ni Viva Morena, sari-saring komento at labas ng hinaing ang mababasa. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More