Mga LGU nakipag-deal sa AstraZeneca vaccine

Naganap ang tripartite agreement sa pagitan ng Mandaluyong local government unit (LGU) at AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines, Inc. para sa maagang pagbili ng COVID-19 vaccine na nilaanan ng P200 milyon pondo.

Sa San Juan City, bumili rin ang lokal na pamahalaan, kasama ang National Task Force, ng 100,000 dose ng bakuna mula sa nasabing kompanya. Ayon kay Mayor Francis Zamora, sapat ang paunang dose na ito para sa 50,000 residente na nais magpaturok ng bakuna.
Una rito, nakipagkasundo rin sa nasabing kompanya ang Valenzuela City at Vigan City. (Vick Aquino)