Una sa Balita

Mga LGU na pasaway sa Manila Bay kakasuhan ng DILG

By
0 495

ISANG investigating team na ang binuo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na siyang mag-iimbestiga sa mga local government unit (LGU) na nagpabaya sa tungkulin at nag-isyu ng business permit sa mga ­establisimyento nang walang sapat na waste water facility.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, malalaman sa gagawing imbestigasyon kung ang naging paglabag sa environmental laws ay bago lamang o dati na, at kung lalabas na dati nang may pagpapabaya ay mananagot dito ang LGUs na walang ginawang aksyon na nagdulot ng lalong polusyon sa Manila Bay.

“DILG will look into the possibility if these companies committed new or other violations based on the result of the inspection.

“We will see if the violation is new or if it has been going on for a long time. We will determine their accountability,” paliwanag ni Año, na nagbantang kakasuhan ng ahensiya ng ­administratibo at kriminal ang mga LGU official na nagpabaya.

Sa oras na matapos ang imbestigasyon ay ­kakanselahin din ng DILG ang business permit ng mga establisimyento na may paglabag.

Samantala, nagbanta din ang DILG sa mga barangay official na mapapatunayang nagkakanlong ng mga squatter para maging kanilang botante.

Sinabi ni Interior Undersecretary for ­Barangay Affairs Martin Diño na ipatutupad nila ang batas laban sa informal settlers at ang mga barangay na mapapatunayang nagkakanlong ng squatter sa kanilang lugar ay kanila ding kakasuhan.

Bukod sa pagtukoy sa mga establisimyento na may paglabag sa environmental laws ay tinututukan din ng DILG ang relokasyon para sa may 230,000 informal settler na naninirahan sa paligid ng Manila Bay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy