Una sa Balita

Mga leksiyon dahil sa init ng ulo

By
0 280

May panibagong leksiyon na naman para sa publiko lalo na sa mga taong mainitin ang ulo.

Isa sa dalawang pinakabagong tren­ding sa social media ay ang naunang pagmamatigas ng isang lady prosecutor ng Department of Justice (DOJ) na ibigay ang lisensiya sa mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Katakot-takot na mura at galit ang inabot ng lady pro­secutor mula sa mga netizen dahil sa asta nito at pakikipagtalo sa mismong opisyal ng MMDA na si Bong Nebrija.

Abante Hiring – IT dep

Sa halagang 200 piso na multa, ipinagpalit ng prosecutor ang posibilidad na masuspende pa ang kaniyang lisensiya sa pagmamaneho at maaring disiplinahin pa mismo sa DOJ.

Kung nagbayad na lang ng multa na 200 pesos ang lady prosecutor sa paglabag sa illegal parking ay hindi na sana ito naeskandalo.

Naging maganda naman ang epekto ng nasabing eskandalo dahil nabigyan ng dagdag na impormasyon ang publiko partikular ang mga motorista kung ano ba ang 5-minute rule na kahit pa na­kabalik ang driver ay awtomatikong dapat magmulta na dahil sa illegal parking.

Related Posts

Pangalawang leksiyon ay ang paglabag sa batas trapiko ng motoristang si Arnold Padilla na nanakit pa sa isang barangay traffic enforcer.

Nakita sa CCTV ang paglabag sa batas trapiko ni Padilla at ang pananakit nito sa Bantay Bayan traffic enforcer na nag-trending sa social media.

Dahil dito ay nagresulta rin upang magsagawa ng follow-up operation ang PNP NCRPO kung saan sinalakay ang bahay nito sa bisa ng search warranto ng korte.

May nakumpiskang baril at granada sa bahay ni Padilla kaya naman siya’y inaresto at nahaharap sa kaso.

Sa isang maliit na pagkakamali ay humantong sa malaking problema ang nangyari sa lady prosecutor at kay Padilla na maaring naiwasan kung hindi nagpadala sa init ng ulo.

Nawa’y magsilbing leksiyon ito sa lahat na dapat ay ilang beses mag-isip, maging kalmado at huwag magpadaig sa emosyon.