Una sa Balita

Mga lehitimong aktibidad dapat ipaalam ng DepEd, CHED

0 328

Dear Abante:

Mabuti na lang at nagpalabas ang DepEd ng memorandum na hindi pala nila saklaw ang youth camp na inoorganisa ng National Union of Students in the Philippines (NUSP) kasama ang College Editor’s Guild of the Philippines at Kabataan Party-list.

Kamakailan ay nagpaalam sa akin ang aking panganay na anak na gusto niyang sumama sa youth camp. Pinayagan ko sa pag-aakalang aktibidad ito ng DepEd.

Malaking bagay na inilabas agad ito ng DepEd at nalinawan ako at ang ibang magulang na hindi pala magandang activity ang pupuntahan ng anak ko at ng iba pang estudyante.

Sana naman ‘pag may ganyang mga activity laging unahin ng DepEd at ng CHED ipalabas ang mga lehitimo nilang activity para sa mga bata nang hindi kami nanga­ngapa at nagdadalawang isip na pasalihin ang aming mga anak. Ang problema pa diyan, hindi naman talaga alam ng mga bata at maging kaming mga magulang kung alin ang lehitimong samahan o organisasyon kung walang ibababang mensahe ang kagawaran.

Sana ay lagi na itong gawin ng DepEd at CHED, baka kasi mamaya ang youth camp na ‘yan na pala ang mag-aakyat sa mga anak namin sa bundok at maging mga rebelde pa sila sa pagpayag namin sa bagay na akala naming tama para sa kanila.

Salamat DepEd.
Jersan Arguilles

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy