Una sa Balita

Mga lalabag sa curfew ‘wag ikulong – PNP

0 441

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa ang lahat ng mga pulis na huwag ikukulong ang mga mahuhuling lumalabag sa curfew.

Ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, PNP Deputy Chief for Operations, nilabas ni Gamboa ang kautusan matapos makarating sa kanyang tanggapan na kinukulong ang mga nahuhuli sa curfew na pinatutupad ng mga local government unit upang masawata ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ang mga mahuhuling lumalabag sa curfew, aniya, ay kukunan lang ng impormasyon ng mga pulis dahil saka na lamang kakasuhan pagkatapos ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

“Nagbigay ng utos ang chief PNP na lahat ng curfew violators ngayon, hindi na po ikukulong, kukunin ang circumstances at ipa-file na lang namin,” paglalahad ni Eleazar.

“At large po yung mga yan para pagkatapos ng krisis na ito saka natin pananagutin yun at depende na rin sa mga multa at penalties na nakasaad sa ordinansa ng curfew,” dagdag pa ng PNP official.

Kasabay nito ay sinabi ni Eleazar na iniimbestigahan na nila ang mga pulis na nanakit sa mga nahuhuling lumabag sa curfew.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More