Una sa Balita

MGA KWENTONG OFWS: Suspensyon sa OEC ng direct hiring binawi ng DOLE

By
0 9

Binawi na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ibinabang suspensyon sa pagpoproseso ng direct hiring ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa ibang bansa.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, nagdesisyon itong bawiin na ang suspensyon matapos ang isinagawang imbestigasyon sa ulat ng anomalya sa loob ng tanggapan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

“I recalled the suspension of direct hiring of OFWs right after our investigation. Minabuti ko na imbestigahan na muna, at ngayong tapos na ang investigation, alam na namin kung sino ang mga involved, at nagkakaroon ng re-organization within the agency (POEA),” sabi ni Bello.

Abante Hiring – IT dep

Paliwanag ni Bello, para sa kapakanan ng mga OFWs ang ibinaba nitong pansamantalang suspensyon sa pagsasaayos at pagpapalabas ng Overseas Employment Certificate (OEC) sa lahat ng direct-hired OFWs hangga’t hindi nalilinis ang katiwalian sa POEA.

Sa ilalim ng Administrative Order No. 155-A, series of 2017, inatasan ni Bello ang POEA at ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO) na agad na ituloy ang pagpoproseso at pagpapalabas ng OECs sa mga OFWs.

“We must ensure that our OFWs are protected when they leave the country. We should prevent them from being victims of anomalous schemes,” sabi pa ni Bello.