Una sa Balita

Mga Kwentong OFWs: Pagtestigo ni Veloso pinigil ng CA

By
0 96

Pinigilan ng Court of Appeals (CA) ang kampo ng convicted drug trafficker Mary Jane Veloso na tumestigo ito sa kaso laban sa umano’y illegal recruiter nito.

Ito ay matapos na isantabi ng CA ang written deposition ng kampo ni Veloso na naglalayon sanang palakasin ang kasong illegal recruitment at human trafficking sa mga itinuturong illegal recruiter nitong Maria Cristina Sergio at Juluis Lacanilao.

Magugunitang noong Marso 24 nang magpalabas ang Eleventh Division ng CA ng temporary restraining order (TRO) laban sa resolusyon ng Nueva Ecija court na nagtatakda ng deposition ni Veloso sa darating na Abril 27 mula sa parusang kamatayan nito sa bansang Indonesia.

Subalit hiniling nina Sergio at Lacanilao sa CA na pigilan ang written deposition kung saan kinatigan naman ito ng appeals court.

Sa desisyon ng CA, napatunayan nito na sufficient in form and substance ang apela nina Sergio at Lacanilao kung kaya’t nagpalabas ito ng TRO.

Iginiit ng mga abogado ni Veloso mula sa National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na ang written deposition ay matagal nang dapat na naipagkaloob kay Veloso.

“We shall not stop exhausting all fair legal means in combination with decisive political action to ensure that she is allowed to speak the truth,” sa kalatas ng NUPL.

Pinaninindigan ng NUPL na sa pamamagitan ng pagpapalabas ng resolusyon sa kaso nito laban sa dalawang akusado ay mabibigyan ng pag-asa na mailigtas ang una sa kinakaharap nitong parusang kamatayan.

Giit ng NUPL na dapat managot sina Sergio at Lacanilao dahil sa sinadya ng mga ito na lagyan ng ilegal na droga ang bagahe ni Veloso nang magtungo ito sa Indonesia noong 2010 subalit naaresto sa Yogyakarta airport.

Nahatulan ng parusang kamatayan si Veloso subalit napagpaliban ito matapos na umapela si dating Pangulong Benigno Aquino III kay Indonesian President Joko Widodo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy