Una sa Balita

MGA KWENTONG OFWS: Kaso ng OFW tagumpay — DOLE

By
0 5

Pinapurihan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang court of appeals ng Bahrain sa naging desisyon nito na papanagutin ang dayuhang employer na kinasuhan ng isang overseas Filipino worker (OFW).

Ayon sa DOLE, sa nakalipas na desisyon ng CA, ibinasura nito ang petisyon na inihain ng International Hospital of Bahrain (IHB) laban sa DOLE at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nagsusulong ng kaso ng OFW na si Joselino Caraos.

Una nang inobliga ng DOLE at POEA ang IHB na bayaran ang obligasyon nito kay Caraos subalit sa halip na sumunod ay naghain ng mosyon sa appellate court para pigilan ang mga ahensya ng pamahalaan na mangolekta ng benepisyo ni Caraos.

Base sa record, napilitang tumigil sa pagtatrabaho ng nasabing OFW bilang assistant pediatrics sa naturang ospital dahil sa kawalan ng panggastos para sa pamilya nito bunsod ng kabiguan ng IHB na bayaran ang sahod at iba pang monetary benefits nito.

Nang makarating sa POEA ang reklamo ng nasabing OFW ay agad na nagsagawa ng imbestigasyon laban sa Bahrain hospital kung saan natuklasan na nabigo ang huli na bayaran ng sahod ang OFW.

At dahil sa desisyon ng CA, matatanggap na nito ang hindi nabayarang sahod at iba pang monetary claims sa pamamagitan ng legal process ng conciliation at mediation.