Una sa Balita

MGA KWENTONG OFWS: Financial assistance ipagkakaloob ng OWWA

By
0 31

Magbibigay ng financial assistance ang Overseas Workers Welfare Administrator (OWWA) sa daan-daang overseas Filipino workers (OFWs) kasama ang mga kaanak ng mga ito na naipit sa nangyayaring giyera sa Marawi City.

Ito ang sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo J. Cacdac matapos itong atasan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III na agad kumilos upang matulungan ang mga OFWs na miyembro ng OWWA na naapektuhan ng kaguluhan sa nasabing lungsod.

Ayon kay Cacdac, nagpakalat na ito ng mga tauhan mula sa Regional Welfare Office (RWO) 10 sa Cagayan de Oro City upang makipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs) upang matukoy ang mga OWWA members at mabigyan ng agarang tulong.

“Our RWO 10 database registered a total of 1,418 OWWA members, both active and inactive. We were told that from the time the fighting among the government troops and the ‘Maute’ group began, chaotic situation engulfed the area and residents left their homes sans their belongings and valuables. Thus, we are ready to give cash assistance to help them in the financial aspect relative to their needs especially food and other basic essentials,” paliwanag ni Cacdac.

Aniya, ang financial aid sa mga naapektuhang OFWs ay naaayon sa OWWA Board Resolution No. 07, series of 2017, sa ilalim ng OWWA’s Welfare Assistance Program (WAP).

Maglalaan ang OWWA ng P2.7 milyon para sa programa kung saan ang mga OWWA members ay makakatanggap ng P3,000 bawat isa habang ang mga non-active OWWA members ay P1,500.00.