Una sa Balita

MGA KWENTONG OFWS: 5,000 undocumented OFWs humabol sa amnesty

By
0 1

Umakyat na sa mahigit 5,000 ang bilang ng mga undocumented overseas Filipino workers (OFWs) sa Jeddah na nagpalista para sa 90-day amnesty program ng gobyerno ng Saudi Arabia na nagsimula noong Marso ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Philippine Consulate head Consul RJ Sumague, mula Marso 26 hanggang sa kasalukuyan ay umabot sa 5,200 OFWs ang nakapagparehistro sa konsulada.

Posible pa umanong umabot sa 7,000 OFWs ang magpaparehistro bago tuluyang matapos ang amnesty program ng pamahalaan ng Saudi Arabia para sa mga illegal foreign workers sa kanilang bansa.

“Meron pa natitirang mahigit isang buwan, at sa dami ng mga tumatawag at nagi-inquire tungkol sa amnesty posibleng abutin ng 7,000 ang mga kababayan natin na magpapalista para makauwi ng Pilipinas,” sabi nito.

Samantala, karamihan sa mga humahabol na magparehistro ay mga da­ting nagtatrabaho bilang mga kasambahay na tumakas sa kanilang mga amo.

Isinaayos na ng konsulado ang flight schedule ng mga nauna nang nabigyan ng exit visa para tuluyan nang makabalik ng Pilipinas.