MGA KWENTONG OFWS: 100 OFWs dumating

By

Dumating sa bansa ang panibagong batch ng mahigit 100 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa Saudi Arabia, kamakalawa.

Sinalubong ng repatriation team ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang nasabing mga OFW lulan ng Cebu Pacific flight 5J-741 at binigyang assistance sa tinatawag na Immigration at Customs formalities sa Terminal 3 ng NAIA.

Kabilang sa sumalubong sa nasabing mga problemadong manggagawang pinoy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Binigyan ng ayuda ng gobyerno ang mga OFWs sa pamamagitan ng assistance program ng DOLE at iba pang ahensya ng gobyerno.

Tumuloy pansa­mantala sa tanggapan ng OWWA at ilang hotel ang mga OFW na walang ma­tutuluyan sa Metro Manila habang pinoproseso pa ang kanilang pag-uwi sa kanilang mga probinsya habang inihatid sa kani-kanilang tahanan ang mga taga-Metro Manila.

SHARE