Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga Kuwentong Pagkain contest ilulunsad worldwide

0 195

Ang Mama Sita Foundation na layong ipunin ang mga kuwento ng food heritage at recipe ng mga Pinoy sa buong mundo ay hudyat sa pag-arangkada ng Mga Kuwentong Pagkain: Filipino Food Stories From Around The World noong Abril 5, 2022.

Ang pakontes ay para sa sinumang may kuwentong pagkaing Pinoy na ibabahagi ay inanunsyo sa mga miyembro ng press at guests ng Foundation sa ginanap na mango picking at picnic, na inorganisa rin ng Foundation sa Mexico, Pampanga.

Bilang pagpreserba sa maraming pagkaing Pinoy sa buong mundo, nagdesisyon ang Foundation na palawigin ang submission maliban sa mga written entries ay maari na rin ang video at photo essay entry.

Ang video at photo essay entries ay bahagi ng visual category ng contest.

Ang mga video entries ay magbibigay rin ng pagkakataon sa mga participant para makuhanan ang food-in-action maging sa pagtitipon, preparasyon o mismong pagluluto o lahat ng nabanggit.

Ang photo essay entries naman ay maaring makunan ang emotions na may kasamang written narrative.
Nagsimula ang pakontes noong April 5, 2022 hanggang sa October 31, 2022.

Ang mga mananalo ay magwawagi ng hanggang ₱ 20,000 premyo.

Sa mga interesadong lumahok basahin ang full contest rules at mechanics sa https://tinyurl.com/MKP2022Rules habang ang mga entry ay maaraing ipadala sa https://tinyurl.com/MKP2022Form

Leave A Reply

Your email address will not be published.