Una sa Balita

Mga kuwento ng pagbabago

0 351

Lahat tayo ay may kuwentong nais na ibahagi sa lahat. Isa itong linya sa isa sa mga talumpati na binigkas ko sa harap ng ating mga kababayan mula Luzon, Vizayas at Mindanao sa pagdaraos ng “Dagyaw 2019.” Ang Dagyaw ay Hiligaynon na salita na ang ibig sabihin ay bayanihan. Ang Dagyaw 2019 naman ay isang aktibidad o townhall forum­ na isinasagawa ng mga ahensya ng pamahalaan upang ­direktang maipaabot sa mga mamamayan ang mga ­programang naisagawa na ng gobyerno, at para humingi na rin sa ­publiko at sa private sector ng mga rekomendasyon para higit na mapagbuti ng kasalukuyang admi­nistrasyon ang paglilingkod sa sambayanan.

Madalas kong mabanggit sa mga talum­pati ko na si Pangulong ­Rodrigo Roa Duterte ay isang mahusay na ­storyteller, at ang ­kanyang mga ­kuwento ay gustung-gustong mapaking­gan ng mga Pilipino dahil sumasalamin iyon sa ating tunay na kalagayan, kasaysayan, kultura at tradisyon.

Kamakailan ay inilun­sad ko ang ­aking unang aklat, ang ­Mediaman (Compilation of ­messages), kung saan ay nakapaloob dito ang ­aking mga naging ­talumpati sa loob ng aking­ unang tatlong taon sa pamahalaan.

Unang pumasok sa aking isipan na pagsama-samahin sa isang aklat ang aking mga talumpati nang may magtanong sa akin kung ano ba ang aking priority engagements para sa Presidential Communications Operations Office. Sa aking posisyon bilang kalihim ng PCOO ay napakaraming imbitasyon ang aking natatanggap araw-araw, kaya naman naging napakaingat ko kung aling paanyaya ang aking dapat tanggapin, at kung ano ang dapat kong magalang na tanggihan.

May matapat akong layunin na dapat ay ­maging consistent ako sa mga misyon na ­aming itinakda para sa aming organisasyon sa ­simula pa lang ng Duterte administration.­

Ang una at pangunahing layunin ng aking ahensya ay maglatag ng mga reporma—mentally­ and physically—sa apat na platform sa pakiki­pagtalastasan: on air, on print, online and on ground. Ibig sabihin, lahat ng pagsisikap at resources ay dapat na nasa iisang linya ­lamang para maramdaman ang presensya ng ating ­pamahalaan sa mga platform­ na nabanggit.

Ang ikalawang misyon ko ay ang magpatupad ng policy reforms na magkakaroon ng malaking kontribusyon sa “Duterte Legacy” sa paglaban sa katiwalian at pagpapalaganap ng kalayaan sa pamamahayag. At tulad ng pa­ngako ni Pangulong Duterte nang magsimula siyang manungkulan noong June 30, 2016, agad siyang nagpatupad ng dalawang mahahalagang polisiya; ang E0. 2 Operationalizing the Freedom of Information noong July 23, 2016, at ang A0. 1 Creating the ­Presidential ­Taskforce on Media ­Security noong October­ 11, 2016.

Sana ay magkaroon kayo ng pagkakataon na mabasa ang aking aklat. Hindi ko po ito ipinagbebenta. Plano kong mag-donate ng kopya nito sa mga library. Sa mga darating na araw ay mababasa ninyo ang soft copy nito at maaaring i-download mula sa martinandanar.ph, @martinandanar on YouTube, at Martin Marfori Andanar on SoundCloud. May ilang talum­pati ako na maririnig ninyo mismo ang audio habang aking idini-deliver.

Nagpapasalamat ako sa aking kaibigan, ang butihing Senador Bong Go, dahil sa kanyang walang kapantay na suporta at payo na ipagpatuloy ko ang aking sipag at sigasig, at manatili akong naka­sentro sa mga repormang nais kong ihatid sa PCOO.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy